Gibusong
Island: Ito ay isang maliit na isla na parte ng Dinagat islands sa
Surigao Del Norte. Ito ay matatagpuan sa hilagang-kanluran ng Dinagat
Islands sa ng golpo ng Leyte at sa bandang hilaga ng kipot ng Surigao.
Ang
islang ito ay likas sa yamang-tubig at maganda ring pagbakasyunan lalo
na pag-summer. Ang dagat ay napakalinis at napakalinaw. Ang hangin dito
ay sariwa at malamig lalo na sa gabi.
Kapag ikaw ay nanirahan o
tumuloy lamang ng saglit sa isla ng Gibusong ay masasabi mo talagang
ito ay isang Undiscovered Paradise o isang munting Paraiso at wala ka
dapat ikatakot sa lugar na ito dahil ang mga tao dito ay sadyang
mababait at magiliw sa mga panauhin.
Kaya
halina't galugarin ang islang ito at kayo mismo sa sarili nyo ang
magsasabi na kayganda sa Pinas dahil mayroong munting paraiso tulad ng
GIBUSONG ISLAND.