Linggo, Pebrero 17, 2013

Ang GIBUSONG island: Munting Paraiso

                                                              GIBUSONG ISLAND
Gibusong Island: Ito ay isang maliit na isla na parte ng Dinagat islands sa Surigao Del Norte. Ito ay matatagpuan sa hilagang-kanluran ng Dinagat Islands sa ng golpo ng Leyte at sa bandang hilaga ng kipot ng Surigao.
Ang islang ito ay likas sa yamang-tubig at maganda ring pagbakasyunan lalo na pag-summer. Ang dagat ay napakalinis at napakalinaw. Ang hangin dito ay sariwa at malamig lalo na sa gabi. 
Kapag ikaw ay nanirahan o tumuloy lamang ng saglit sa isla ng Gibusong ay masasabi mo talagang ito ay isang Undiscovered Paradise o isang munting Paraiso at wala ka dapat ikatakot sa lugar na ito dahil ang mga tao dito ay sadyang mababait at magiliw sa mga panauhin.
Kaya halina't galugarin ang islang ito at kayo mismo sa sarili nyo ang magsasabi na kayganda sa Pinas dahil mayroong munting paraiso tulad ng GIBUSONG ISLAND.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento